umupo nang malapit na malapit dito. Sinadya niyang magbuga nang malakas para sulyapan siya nito. Tumingala naman ito para pagmasdan siya. “Maganda itong mansion ng kaibigan ko hindi ba?”
          “Oo, napakaganda nga ng mansion ito,” pagsang-ayon nito at muling inilibot ang mga mata sa loob ng kabahayan.
          “Napagod ka bas a biyahe natin ha?” tanong niya na lumingon dito sa tabi niya at malapit na malapit ang mukha dito. Nararamdaman niya ang paghinga nito.
           “Hindi naman, saka hindi naman masyadong matagal ang biyahe natin,” sagot nito sa kanya.
            Pagkatapos nilang makapagpahinga ng mga ilang sandali pa ay niyaya niya na itong umakyat sa itaas ng mansion. Tumango naman ito at sumunod kay Mike na