Nakatayo din sa isang bahagi ng malaking ang mansion ang isang kamangha-manghang estatwa ng isang magandang babae na hawak-hawak ng dalawang kamay ang isang malaking bilog na bagay na kawangis ng isang maliwanag na buwan na nakaangat sa harapan at sa ibabaw ng ulo nito. Sa pangkalahatan ay maaliwaalas ang buong mansion at nagbibigay ng magandang pakiramdam sa mga taong nagpupunta roon. At parehong nararamdaman iyon nina Mike at Margaret. Matapos nilang mapagmasdang mabuti ang buong kabahayan mula sa pintuang pinasukan nila ay naglakad sila papalapit sa eleganteng living room. 
         “Maupo na muna tayo Margaret,” anyaya niya dito.
         “O sigi,” matipid na sagot nito sa kanya at kaagad naupo. Umupo namang muli si Mike sa tabi niya. Sinadya niyang