Humakbang sila sa hagdanang may mga limang baitang at pagkatapos ay linapitan nila ang isang napakalaking pintuan sa harapan ng mansion. Kulay pula ang makintab na tile-flooring nito sa labas. Kinuha naman agad niya ang susi sa kanyang bulsa at sinusuian ito. Itinulak niya ito ng marahan para tuluyan na itong mabuksan.
        Bumungad kaagad sa kanila ang napakagandang loob ng mansion. Ang mga dingding nito ay may  mga nakasabit na mga naggagandahang oil paintings na gawa ng mga sikat at batikang mga pintor. Ang lahat ng mga muebles at kasangkapan nito ay binili at kinonolekta ng may-ari sa iba’t ibang bansa mula sa kanyang paglilibot sa buong mundo.  Kaakit-akit ang disenyo ng mga mga porselanang flower vases nitong nakalagay sa makintab na puting tile-flooring.