kanya si Margaret.
       Magkasabay nilang nilakad ang kahabaan ng makitid na daungang gawa sa kahoy. Ilang sandali lang ay nalampasan na nila ito at naglakad naman sila sa sementadong pathway papunta sa isang tila malawak na hardin. Habang papalapit sila ay dahan-dahan nilang nakita ang malaking mansion ng kaibigan ni Mike.  
        Napahanga ito sa kagandahan ng bahay at ng buong paligid. Sinuyod nito ng tingin ang buong kapaligiran. Maraming mga makukulay at magagandang bulaklak ang malaking hardin sa labas ng mansion. Pagkatapos ay muli siyang niyayang maglakad ni Mike papunta at papasok sa loob ng mansion.