pupuntahan nila. Napakaganda nito at lalo pa itong gumaganda habang patuloy silang lumalapit dito. Napansin din nilang napakalinis at napakalinaw ng tubig-dagat na nakapalibot dito.
Nang makalapit na sila sa pagdaraungan nila ay kaagad itong umakyat paitaas at tumayo sa may kahabaan at makitid na daungang gawa sa kahoy. Kaagad naman siyang tumalikod para abutin mula kay Margaret ang kanilang mga bagahe. Isinabit niya ito sa kanyang kanang balikat.
Pagkatapos ay maingat niyang inabot ang kamay ni Margaret upang hatakin ito paitaas. Hinawakan pa niya ang isa pang palad ni Margaret nang tuluyan na itong makaapak sa sahig ng maliit na daungan. Pagkatapos ay kaagad niya itong binitiwan para umakbay sa kanya. Ngumiti lang sa