siya nang malalim at sinulypan ito sa tabi niya. Ipinikit niya ang kanyang mga mata.
Lumipas ang ilang sandali ay hindi pa rin ito tumatayo sa pagkakaupo nang malapit na malapit dito. Pagdilat niya ng mga mata niya ay napansin niyang mariing nakatingin sa mukha niya si Margaret. Nginitian muna niya ito bago tumayo para magmaneho.
Nakatayo siyang hawak-hawak sa dalawang mga kamay nya ang manebala ng speed boat. Pinaandar muna niya ito nang mabagal. Ilang sandali lang ay dahan-dahan nang bumilis ang takbo nito. Naramdaman kaagad ng dalawa ang malakas na simoy ng hanging-dagat na humahaplos sa mga mukha nila.
Ilang sandali lang ay natanaw na niya ang islang