maibaba sa upuan sa gilid ay inabot niya ang isang kamay ni Margaret para maalalayan ito sa pagpasok sa loob ng kanyang speed boat. Bahagyang tumalon papasok si Margaret. Pagkalapat ng mga paa nito sa sahig ay umuga nang bahagya ang sasakyan kaya maagap na ipinulupot ni Mike ang kanan niyang braso sa baywang nito para masuportahan ito. Nagkadikit nang bahagya ang kanilang mga katawan. Napatitig ito sa kanya. Sandali silang nagkatinginan. Nginitian niya ito pagkatapos ay dahan-dahang kinalas ang brasong nakapulupot sa baywang nito.
           “Dito ka maupo Margaret,” utos niya rito.
           Tiningnan muna nito ang bahaging itinuro niya pagkatapos ay maingat na humakbang palapit dito. Pagkaupo nito ay kaagad na tumabi sa pag-upo nito si Mike. Huminga