makalabas ito ng sasakyan.
“Ano bang sasakyan natin papunta roon Mike?” tanong nito sa kanya habang nakatingin sa malawak na dagat sa harapan nila.
Itinuro naman kaagad niya ang isang sasakyang-pandagat na nakatali sa isang maliit na poste sa maliit na pantalan. “Diyan sa speed boat ko,” sagot niya rito. Pagkatapos ay kaagad na kinuha ang mga bagahe nila na kapwa nasa likurang upuan ng kanyang sasakyan. Matapos niya itong maisara at masusian nang maaayos ay magkasabay silang naglakad ni Margaet papunta sa nakahimpil niyang speed boat.
Bahagya siyang tumalon papasok rito na dala-dala sa kanyang balikat ang mga bagahe nila. Pagkatapos niya itong