“Mike kaya mo ba ginagawa ito ay dahil sumusunod ka sa utos ng iyong ama ha?” tanong niya rito na patuloy pa ring nakatingin sa harapan nila.
Hindi sumagot si Mike. Sumeryoso ang ekspresyon ng mukha niya. Pagkalipas ng ilang sandali ay muli siyang nagsalita. “Gusto kitang muling makasama Margaret,” mariin niyang sagot dito. Sinulyapan niya ito sa tabi niya. Napansin niyang may ngiting namuo sa maganda at maamong mukha nito. Napangiti rin siya. Iyon ang kauna-unahang totoong ngiting nakita niya mula dito simula ng muli silang magkita. Makaraan ang ilang sandali ay narating na nila ang isang maliit na pier. Kaagad niyang binuksan ang pintuan at lumibot papunta sa kinauupuan nito para alalayan ito sa pagbaba. Hinawakan niya ang isang kamay nito para