nila ngayon kaya hiniram ko na muna ito sa kanya.”
“Talaga,” sabi lang nito.
“Nag-iisang bahay lang iyon sa loob ng magandang islang iyon,” pagtatapat niya rito. “Kaya tayong dalawa lang doon. Walang makakaistorbo sa atin,” sabi niya na kaagad sinulyapan ito sa tabi niya. Tiningnan niyang mabuti ang mukha nito at kagaya ng nasa isip niya namumula ito. Napangiti siya dahil lalong gumaganda itong si Margaret kapag namumula ang mukha.
“Tayong dalawa lang doon?” tanong nito sa kanya.
“Oo tayong dalawa lang doon at walang makakaistorbo sa ating dalawa,” nangingiting ulit niya rito.
Nanahimik sandali itong si Margaret. Bumuntong-hininga habang nakatingin sa dinaraanan nilang dalawa.