Pagkabukas ng sasakyan ay pinaupo niya ito sa inupuan nito kahapon. Muli siyang lumibot papunta sa kabilang pintuan. Umupo ito sa driver’s seat pagkatapos ay binuksan ang isa pang pintuan sa likuran niya para mailagay na ang dalang bag ng driver nina Margaret. Sinadya ni Mike na ilagay sa backseat ang kanyang bag at ang kay Margaret upang masiguro niyang sa tabi niya sa front seat uupo si Margaret sa buong biyahe. At nang maisara nang muli ni Mike ang mga pintuan ay nag-umpisa na kaagad siyang magmaneho.
Mahaba-haba na rin ang nalalakbay ng sasakyan niya subalit hindi pa rin umiimik si Margaret. Kaya muli siyang nagsalita. “Pupunta tayo sa bahay ng matalik kong kaibigan sa isang magandang isla. Nasa America ang buong pamilya