“Handa ka na pala talaga Margaret,” nangingiting sabi niya dito. Naiiling na napangiti lang ito. “What are we waiting for, let’s go,”
           “Sigi, tayo na Mike,” sabi lang ni Margaret.
            “Mauna na kami sa inyo Eleonor,” paalam ni Mike dito at sa iba pang mga co-teachers ni Margaret na titig na titig sa kanya.
            “Bye Mike, bye Margaret,” nangingiting paalam din ni Eleonor sa kanilang dalawa. Napansin niyang muli nitong tiningnan nang mariin si Margaret pagkatapos ay ngumisi nang bahagya. Napangiti lang siya sa napansin sa dalawang babae,  pagkatapos ay kaagad na hinawakan ito sa kamay at dinala sa kanyang sasakyan.