niya ang mga kaibigan ng mga ito kaya alam niya ang ibig sabihin ng mga ganoong tingin at pagkislap ng mga mata. Muli siyang bumaling kay Margaret. “Handa ka na ba Margaret?” tanong niya rito. “Tapos na akong magpaalam sa Daddy mo at pumayag siya. Kaya wala ka nang dapat alalahanin.”
          Hindi umimik si Margaret. Nakatingala at nakatitig lang ito sa guapong-guapo niyang mukha. Bigla namang lumabas sa sasakyan nila ang driver nina Margaret at kaagad na lumapit sa kanilang dalawa sa labas ng paaralan. “Sir Mike, ito na po ang bag ni Ma’am Margaret saan ko  po ba ito ilalagay?” tanong kaagad nito nang malapit-lapit na ito sa kanilang dalawa.