“Pangalawang beses ko na itong punta rito,” sagot naman niya.
         “Talaga, pangalawang beses mo na palang punta rito,” sabi lang nito. “Ikaw Margaret ha, wala kang binabanggit sa akin ha,” masuyong sita nito sa kaibigan.
         Ngumiti lang nang bahagya si Margaret sa kaibigan.
         Napansin niyang may kislap sa mga mata nito habang halinhinang sinusulyapan sila nito ni Margaret. “Alam mo Mike, napagkwentuhan ka na rin namin ni Margaret.”
         Nakita ni Mike na kaagad tiningnan nang mariin ni Margaret ang kaibigan. Parang nag-uusap ang dalawa sa kanilang mga mata. Nangiti siya dahil parang naiintindihan niya kung ano ang ibig sabihin ng mga tinginang iyon.
         Marami na siyang naging girlfriend at nakilala na rin