kay Margaret.
       “Margaret, sino ba iyang guapong-guapo at makisig na lalaking nakangiti sa iyo ha?” tanong ni Eleonor ang matalik na kaibigan at co-teacher ni Margaret. Napatitig muli si Eleonor kay Mike. “Sandali parang nakita na yata kita… tama sa isang magazine, ikaw iyong sikat at malaking negosyanteng si Albert Robles!” excited na sabi nito.
       “Kilala mo pala ako,” sabi lang ni Albert at pormal na nakangiti sa babae.      
       “Siya nga pala ako si Eleonor, ang best friend ni Margaret,” pakilala naman nito sa sarili sa kanya na hindi na hinintay na ipakilala ito ni Margaret kay Mike. “Ngayon lang yata kita nakita rito.”