Chapter 2

       NAGTAMA kaagad ang mga mata nina Mike at Margaret habang papalabas ang huli sa gate ng pinagtuturuan nitong pribadong paaralan. Yumuko siya bahagya patagilid at nginitian ito bilang greeting niya dito. Atubili pero nginitian din siya nito. Kaagad siyang naglakad papunta rito. Nang mga isang dipa na lang ang agwat nila ay muli siyang nag-greet dito. “Hi Margaret.’ Napansin niyang nakatitig sa kanya ang mga kasabayang mga babaeng guro ni Margaret. Nginitian din niya ang mga ito pagkatapos ay muling ibinaling ang pansin