sagot nito.
          “Wala naman pala eh. Eh di susunduin kita bukas at magdala ka ng ilang damit,” sabi niya rito.
           “Bakit naman ako magdadala ng mga damit?”  tanong nito sa kanya.
           “Basta magdala ka ng ilang damit, kagaya ng dati,  nang nagpupunta ang buong pamilya natin sa bahay bakasyunan niyo sa tabing dagat. Pagkauwi ko’y tatawagan ko ang Daddy mo at magpapaalam ako.”
            “Mike…” sabi lang nito.
            “Margaret,” sabi lang din niya. Huminga nang malalim, ngumiti at muling nagpatuloy sa pagmamaneho.