“Ayoko Margaret ang gusto ko’y subukan natin kung magkakagustuhan tayo,” ulit niya rito.  “At bukas na bukas din sa Lunes ay susunduin kita sa labas ng paaralan mo at sasama ka sa akin.”
         “Pero, Mike,” ulit nito na nakatingin sa kanya.
         “Wala nang pero, pero, basta bukas susunduin kita,” mariin ngunit nakangiting sabi niya rito. “Saka marami kang dapat ipaliwanag sa akin. Ang gusto ko nang malaman ang sagot.”
          “Anong ipapaliwanag ko sa iyo?” tanong nito sa kanya.
          “Ano bang ginawa ko sa iyo? May kasalanan ba ako sa iyo?” sunod-sunod nitong tanong rito.
          “W-wala… wala kang kasalanan sa akin Mike,” atubiling