nagpatuloy. “Sabihin mong tumututol ka sa plano nilang ipakasal tayong dalawa.” Pagkatapos ay muli itong huminga nang malalim sa tabi niya.
          Natigilan si Mike sa narinig niya mula rito. Linginon niya ito sa tabi niya at tiningnan nang mariin ng mga ilang sandali. “Ayoko, Margaret,” mariing tanggi niya sa kahilingan nito sa kanya. “Ang gusto ko ngayon ay subukan natin kung magkakagustuhan tayong dalawa.” Pagkatapos ay kaagad na binawi ang tingin dito at muling itinuon ang pansin sa harapan nila at nagpatuloy sa pagmamaneho.
         “Mike,” sabi nito at ipinikit ang mga mata ng mariin. Nang idilat nito ang mga mata nito ay nakita nitong nakatinging muli si Mike sa mga mata nito.