ay magpapakasal tayong dalawa.”
        Napansin niyang bahagyang sumeryoso ang mukha nito. Nag-alangan siya kaya hindi na muna siya nagpatuloy magsalita.
        “Mike, iyan rin kasi ang dahilan ko kaya pumayag akong ihatid mo,” seryosong sabi na nito sa kanya. Sinulyapan muna siya nito sa kaliwa nito bago nagpatuloy. “Kinausap ako ng Daddy, tungkol diyan bago lang.”
         “Ha, ganoon ba,” biglang nasabi niya na muling napasulyap dito. May sasabihin sana siya sa dito pero pinili niyang pakinggan na muna ito.
          Nagpatuloy naman ito sa pagsasalita. “Ang gusto ko sana’y puntahan mo at kausapin ang Daddy ko.” Tumigil ito sandali sa pagsasalita. Humugot nang hininga saka muling