magmaneho. Matapos ang ilang sandaling pagmamaneho sa kahabaan ng kalsada ay muli siyang nagsalita. “Margaret,” sabi niya.
       “Mike,” sabi lang nito na nakatingin pa rin sa harapan ng dinaraanan ng sasakyan niya.
       “May gusto sana akong sabihin sa iyo,” sabi uli niya habang patuloy sa maingat niyang pagmamaneho.
       “Ano iyon?” marahan niyang tanong.
       “Natatandaan mo pa ba iyong dati,” sabi niya at lumunok nang bahagya.
       “Anong dati, Mike,” marahang tanong nito sa kanya.
       “Iyong dati…” marahing sabi nito uli at sa tingin niya nauunawaan niya ang ibig niyang sabihin kaya itinuloy na niya ito. “Iyong tayong dalawa, na pagdating ng tamang araw