niya ang kanyang mata dito. Nagyuko lang ito ng ulo at pinagmasdan ang ilalim ng sasakyan niya. Kaya umubo siya nang bahagya para sulyapan siya nito. At nang mapasulyap ito sa kanya ay kaagad niya itong binigyan ng poging-poging ngiti niya. Nag-iwas agad ito ng tingin. Subalit napansin niyang ngumiti ito nang bahagya nang muling tumanaw sa harapan ng sasakyan niya.   
         “Ang tagal na nating hindi nagkikita ah,” sabi lang niya dito.
         “Oo nga,” sagot lang din nito at pinagmasdan ang ibang nagdaraang sasakyan sa harapan nila saka nagbuntong-hininga.
          Sandali niya itong tinitigan sa tabi niya pagkatapos ay inayos ang pagkakahawak sa manebela at nagsimulang