kanya pero kaagad din nitong binawi ang ngiti sa mukha nito. Inihakbang nito ang kaliwang binti papasok sa sasakyan at napatingin kaagad siya sa makinis at maputi nitong binti. Napangiti siya.
         Naupo si Margaret sa front seat. Ipininid naman niya nang marahan ang pintuan ng sasakyan at dahan-dahang lumibot sa harapan ng sasakyan niya. Pagkarating niya sa mismong harapan napansin niya na nakatingin sa kanya ito kaya mas inayos niya ang paglalakad niya.                    
        Nang makarating na siya sa pintuan ay binuksan niya ito. Tinitigan muna niya sandali ang magandang mukha nito bago tuluyang inihakbang ang kanang paa papasok. Huminga muna siya nang malalim tapos ay hinawakan ang manebela. Dahan-dahan niyang sinulyapan ito sa tabi niya. Pinangiti