nito ng mariin si Mike. “O sigi Mike, papayag akong ihatid mo, may sasabihin din kasi ako sa iyo eh,” seryosong sabi nito na nakatitig pa rin sa mukha niya.
           Nangiti naman kaagad siya sa sinabi nito. Kaagad niyang hinawakan sa may siko ito para alalayan papunta sa kanyang sasakyan. Subalit tiningnan nito ang kamay niyang nakahawak sa siko nito kaya ibinaba kaagad niya ang kanyang kamay. Ngingiti-ngiting napailing na lang ito at nagkasyang naglakad na lang katabi nito papunta sa sasakyan niya.
          Nang nasa gilid na sila ng kanyang sasakyan ay dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan nito at nang mabuksan na niya ito ay marahan niya itong liningon sa likuran niya. Nginitian niya ito nang bahagya. Ngumiti rin ito pabalik sa