“Hi,” sabi lang nito sa kanya at ngumiti ng bahagya.
       Wala pa ring pagbabago si Margaret, napakaganda pa rin niya, bulong nito sa sarili. “Uuwi ka na ba?” tanong niyang nakatingin dito.
        “Oo sana,” simpleng sagot nito sa kanya na ngumiti sa mga estudyanteng paaalis at malalakas ang boses na nagpapaalam dito sa labas ng paaralan.
         “Kung ganoon, ihahatid na kita sa inyo,” sabi niya dito na nakatingin ng mariin sa mga mata nito at naghihintay ng kasagutan nito.
          “Huwag na lang Mike, tutal andito naman ang sasakyan namin saka may kasama akong driver,” sagot naman nito sa kanya sa kaswal na tinig. Subalit nanatili ito sa harapan niya imbis na magtungo sa naghihintay nitong driver. Tiningnan