hinanap sa kanila si Margaret. Hindi naman siya nabigo dahil nakita niya itong papalabas ng gate ng nasabing paaralan.
        Dali-dali siyang bumaba sa kanyang magarang sasakyan. Isinara niya muna ang pintuan bago tumalikod at maglakad nang mabilis papunta kay Margaret. Nagtama kaagad ang kanilang mga paningin. Napansin niyang nag-iwas kaagad ng tingin sa kanya si Margaret. Napailing siya sa naging reaksyon nito subalit nagpasya siyang tumuloy pa rin at kausapin ito.
        Naglakad siya nang mabilis at sinalubong ito. Napansin niyang sinulyapan siya nito. Kaya pinagbuti niya ang tindig niya at nginitian niya kaagad ito. Nang magkaharap sila ay binati niya kaagad ito. “Hi Margaret,” maiksing greeting niya rito.