maging sa Negros at Bohol. Napakayaman ng pamilya nina Margaret subalit higit na mas mayaman ng makailang ulit ang pamilya ni Mike.
        Bumuntong hininga si Mike. Nagpasya siyang puntahan si Margaret sa kanilang tahanan. Nagtungo siya sa kanyang banyo at naligo. Pagkatapos ay kaagad itong nagbihis at umalis ng bahay. Pagkarating niya sa bahay nito ay napag-alaman niyang may activity pala sa kanilang eskwelahan itong si Margaret kasama ng iba pang mga guro at mga estudyante sa pinagtuturuan nitong eskwelahan.
        Kaya pinatakbo niya ang kanyang sasakyan papunta roon. Ilang sandali lang ay narating na niya ang paaralang ito. Nakita niya mula sa kanyang paparadang sasakyan ang mga naglalabasang mga estudyante at mga guro. Pilit niyang