pinakamalaki nito ay nasa Cebu City mismo. Maraming mga malalaking gusali ang nakatayo at umuupa rito at dito pa lang ay limpak-limpak na salapi na ang pumapasok sa bulsa ni Mike. Isa si Mike sa pinakamayamang negosyante sa buong probinsya ng Cebu.         
        Si Margaret ay anak mayaman din. Subalit pinili nitong mamuhay bilang isang guro. Nagtuturo ito sa isang Elementary School. Mga batang estudyanteng nasa grade-five ang tinuturuan nito sa isang kilalang pribadong eskwelahan ng mga mayayamang bata sa lungsod na iyon. Ang ama nitong si Jose Arnaiz ang patuloy na namamahala sa kanilang mga negosyo. Hawak nila ang pinakamalaking Cargo Forwarding business ng Cebu City, ang Arnaiz, Inc. Marami din itong mga lupaing pag-aari sa probinsya ng Cebu at