Sa gulang na biente sengko ay naging chairman of the board na itong si Mike dahil hawak nila ang 65% ng stocks ng kanilang kumpanya, Ang Robles Inc. Maliban pa sa pinagkakatiwalaan din siya ng iba pang mga stockholders. Pinatuyan ni Mike ang galing niya sa pamamahala sa katunayan ay parati siyang napaparangalan bilang isa pinakabata at pinakamagagaling na negosyante sa Cebu City. Hawak ng kumpanya nila ang isa sa pinakamalaking Shipping Lines sa buong Pilipinas. Mayroon din silang mga Toy Factories at ang isa nito ay nasa Bohol. And this expensive toys are sold nationwide at nagbabalak na rin silang i-export ito sa iba’t ibang panig ng mundo.
          Marami din siyang mga malalawak na lupain sa iba’t-ibang bahagi ng probinsiya ng Cebu. Subalit ang