habol ng maraming mga babae. All trying to trap him and wanting to marry him. Mike was tall, dark, and handsome.  Ang mga babae ang nanliligaw sa kanya at hindi siya. At hindi mga basta-bastang mga babae ang nagkakandarapa dito. Ubod ng gaganda ng mga ito at kadalasa’y galing sa mayayamang angkan din. Nagkaroon siya ng relasyon sa ilan sa mga ito subalit nauuwi rin naman sa hiwalayan. Hiwalayang kung minsan ay masalimoot at minsan nama’y mapayapa.
       Nabalitaan din niyang nagka-boyfriend itong si Margaret. Parang may naramdaman siya sa puso niya nang malaman niya ito. Subalit itinuloy pa rin niya ang pagtatrabaho sa kanilang kumpanya at nagpatuloy sa kanyang sariling buhay.