naunang maglakad paakyat ng hagdanan. Nang tuluyan na silang makaakyat sa ikalawang palapag ay kaagad nilang tinungo ang mga hilera ng naglalakihang mga kwarto. Tumigil sila sa harapan ng isang kwartong may napakagandang pintuan.
           “Ito ang magiging kwarto mo Margaret,” sabi niya rito. “At ito namang katabi ay ang magiging kwarto ko. Pagkatapos ay dahan-dahan nitong binuksan ang kwarto para kay Margaret. Nang mabuksan na ito ay kaagad siyang pumasok sa loob. Nakita niya ang malaki at magarang kama. Lumapit siya rito at sinigurong maayos ito. Nilingon niya si Margaret, nakita niyang nasa may harapan pa rin ito ng malaking pintuan.