Nangiti siya nang bahagya. “Halika na Margaret, umupo ka sa tabi ko dito sa kama,” nakangiting anyaya nito na kaagad naupo sa gilid ng malaking kama. Subalit hindi pa rin natinag itong si Margaret sa kinatatayuan nito.
            Kaya kaagad siyang humakbang papunta dito at nang makalapit na siya ay hinawakan nito ang dalawang palad nito. “Halika na tabi tayo sa pag-upo,” muling anyaya niya rito. Humakbang siya paatras hawak-hawak ang dalawang mga palad nito. Atubili pero sumunod ito sa kanya na nakatingala sa kanyang mukha.

           Ilang hakbang lang ay tumigil siya sa pag-atras. Pinagmasdan niya ang magandang mukha nito ng ilang saglit