pagkatapos ay muling nagpatuloy sa pag-atras. Nang sumagi na ang likuran ng kanyang hita sa kama ay naupo ito. Nakatingala siyang hawak-hawak ang dalawang palad ni Margaret. Nginitian niya ito. “Dito ka sa tabi ko maupo Margaret.” Habang nakatingin kay Margaret ay hinagod niya nang marahan ang bahagi ng malaking kama na gusto niyang paupuan dito.
          Bahagyang namumula ang mukha nitong umupo sa tabi niya. Ilang sandaling naupo muna silang magkatabi sa kama. Tahimik lang si Margaret at ngiti-ngiting pinagmamasdan niya ito sa tabi niya. Pagkatapos ay umisod siya nang bahagya palayo upang maingat ang dalawang mga paa papasok sa malaking kama.
          Nahiga siya sa kama at pinagmasdan ito ng mariin sa