gilid niya. “Margaret…” tawag niya rito. Hindi ito umimik kaya iniangat niya ang kanyang katawan mula sa kama. Dahan-dahan siyang umisod nakaluhod papalapit sa likuran nito sa gilid ng kama. Nang makalapit na siya ay niyakap niya ito nang bahagya. Marahan niyang idinikit ang kaliwang pisngi niya sa kanang pisngi nito.
Hinalikan niya ito sa pisngi. “Gusto kita Margaret…” he whispered to her. “Gusto kita matagal na... at gusto kong malaman mo na iyan ngayon…” Hindi pa rin ito umimik kaya kumalas siya sa pagkakayakap dito at dahan-dahang lumipat sa harapan ng kinauupuan nito. Hinatak niya ito patayo. Hawak-hawak ang mga palad nito ay tinanong niya ito. “Ako gusto mo rin ba ako Margaret...?”
Inilapit nito nang bahagya ang pisngi nito sa dibdib niya. “Gusto rin