kita Mike…” Napaatras nang bahagya si Mike.
         Sinapo nito ang magkabilang pisngi nito at iniangat patingala sa kanya. “Gusto mo rin ako Margaret?”
         “Oo Mike gusto kita…” marahan at muli nitong sagot sa kanya.
          Yumuko kaagad si Mike para mahalikan ito sa labi. Yumuko pa siya nang bahagya hanggang sa tuluyan nang maglapat ang kanilang mga labi. Pagkatapos ay muli niya itong niyakap. Niyakap niya ito nang mahigpit na mahigpit. Kumalas siya sa pagkakayakap dito para lang tanungin ito. “Akala ko ayaw mo sa akin kaya iniiwasan mo ako noon.”
          “Akala ko rin ayaw mo sa akin kaya umiiwas ako sa iyo,” sagot nito sa kanya.