“Papanong naisip mong ayaw ko sa iyo?” kaagad niyang tanong dito na nakatitig sa mukha nito.
           “Pakiramdam ko tutol ka sa plano nilang ipakasal tayo dahil matapos nating marinig sa pag-uusap ng ating mga ina ang plano nilang ipakasal tayo ay hindi mo na ako tinitingnan. Pakiramdam ko’y nagalit ka sa narinig natin sa araw na iyon,” pagtatapat nito sa kanya.
            “Oo naalala ko iyan. Subalit iyon ay dahil bigla akong nakaramdam ng pagkahiya sa iyo. Hindi ko alam kong ano ang iniisip mo ng mga araw na iyon. Naisip ko rin na baka ayaw mong magkatuluyan tayo. Dahil kaibigan lang talaga ng turing mo sa akin dahil napakabata mo pa talaga noon. Nineteen ako fourteen ka pa lang noon,” paliwanag niya dito.