“Pero pagkatapos ay ng mga ilang araw ay muli na akong lumapit sa iyo. Subalit ayaw mo na akong pansinin…”
             “Pakiramdam ko kasi’y napipilitan ka lang. Naalala mo matapos ang mga tatlong araw ay bumalik kayo sa amin ng mama mo. Hindi mo pa rin ako kinikibo at nilalapitan. Nilapitan mo lang ako ng utusan ka ng mommy mo na makipaglaro sa akin habang nagkwekwentuhan sila ng mommy ko.”
              “Oo pero gusto talaga kitang lapitan noon at kausapin, nahihiya lang ako sa iyo. Kaya nang utusan ako ng mommy na kausapin ka ay kaagad kong sinunggaban ang pagkakataon. Nagkaroon ako ng dahilan para muli kang lapitan. Pero hindi mo ako kinibo. Pagkatapos ay tinalikuran mo na kaagad ako. At magmula noon ay hindi mo na talaga