ako hinaharap pa. Parati mo na akong iniiwasan. Pero hindi na mahalaga sa akin ngayon iyon. Ang mas mahalaga’y alam mo nang gusto kita at gusto mo rin ako. At napakasaya kong malaman iyan Margaet,” huling usal niya pagkatapos ay muli niya itong niyakap.
“Masaya rin akong malamang gusto mo rin ako Mike…” mahinang bulong nito habang nakayakap sa kanya.
“Halika labas tayo, gusto kong gawin uli ang mga ginagawa nating dalawa noong mga bata pa tayo sa tabing-dagat,” nakangiting anyaya niya rito.
“Sigi ikaw ang bahala Mike,” maaliwalas ang mukhang sagot nito sa kanya.