Chapter 3

            BUMABA si Margaret na nakasuot ng nakakaakit na jeans at T-shirt. Napatingala kaagad si Mike mula sa pagkakaupo nito. Napahanga kaagad ito sa kagandahan niya. Kitang-kita nito ang hugis ng katawan niya sa kanyang suot. Kaagad na tumayo ito para salubungin siya sa pagbaba. At nang makalapit na siya ay inabot nito ang kamay niya. Dinala nito ang kanang palad niya palapit sa kanyang labi. Hinalikan siya nito sa likuran ng palad niya.