“Tumigil ka na Esmeralda, huwag kang mag-eskandalo dito!” utos at pigi ni Mike sa pag-eeskandalo nito..
           “At bakit nahihiya kang malaman ng lahat ng mga naririto na may dapat kang panagutan sa akin ha?” nakataas ang mga kilay na tanong agad nito kay Mike.
           “Pakiusap Esmeralda sa ibang lugar na lang natin pag-usapan ito,” pakiusap ni Mike ditto.
           “Gusto kong dito tayo mag-usap sa harap ng maraming tao, para malaman ng lahat na itong si Margaret ay inaagawan ng ama ang anak ko!” malakas na anunsyo nito sa lahat ng naroroon. “Ako ang pakakasalan mo Mike at hindi ang babaeng ito. Kung may natitira ka pang awa diyan sa