puso mo Margaret layuan mo na si Mike. Layuan mo na ang ama ng magiging anak ko!” muling mando nito kay Margaret.
Nakaramdam ng pagkahiya si Margaret sa sinabi ni Esmeralda. Hindi niya matiis ang mga titig sa kanila ng mga batang estudyante at maging ng mga kapwa niya guro. Hindi niya alam kung ano ang iniisip ng mga ito sa kasalukuyan.
“Halika na Margaret,” sabi ni Mike sa kanya. “Sumama ka na lang muna sa akin at ako na ang bahala kay Esmeralda pagkatapos.”
Tumango lang si Margaret at sumama kay Mike. Inihatid siya nito sa kanilang bahay para muli silang mag-usap. Habang nakaupo sa kanilang sala ay kinausap ni Mike