si Margaret. “Margaret, sana ay hindi ka magpadala sa mga sinabi sa atin ni Esmeralda. Gaya ng sinabi ko na sa iyo paninindigan ko ang batang iyon pero tayo pa rin ang magpapakasal.”
“Hindi ko na alam ang gagawin ko Mike, mahal na mahal kita at ayokong mawala ka sa akin. Subalit naawa ako sa anak mo, pakiramdam ko’y inaagawan ko siya ng ama. Pakiramdam ko’y inaagawan ko siya ng pagkakataong magkaroon ng isang buong pamilya Mike.”
“Hindi kaya natin ‘to Margaret. Bibigyan ko nang magandang kinabukasan ang batang iyon. Sisiguraduhin kong mararamdaman niya ang pagmamahal ko sa kanya bilang ama niya. At magagawa ko iyon kung nasa tabi kita.