Hindi ko makakayang mawala ka sa akin, Margaret.”
              “Hindi ko rin kayang mawala ka sa akin Mike, nahihirapan ako, hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin sa pagkakataong ito.”
               Isinantabi na muna nina Mike at Margaret ang plano nilang paghandaan ang kanilang kasal gayuman ay nagpasya silang magkita pa rin tuwing may pagkakataon sila. Sa eskwelahang pinagtuturuan niya ay napapansin ng ilang mga kaibigang guro ni Margaret ang pagiging tahimik niya gayong kadalasan ay palagi siyang nakikinig o nakikipagkwentuhan sa kanila.