Ang pinakamatalik niyang kaibigang si Eleonor ay sinikap na pasayahin siya. Pinayuhan din siya nito. Sinabi nitong huwag siyang paapekto kay Esmeralda. Ipinaliwanag pa nito sa kanya na wala siyang dapat alalahanin sapagkat siya naman ang totoong mahal ni Mike. Pinayuhan siya nitong ituloy pa rin ang kanilang pagpapakasal ni Mike.
Maging ang ama niya ay kinausap din siya at pinayuhang magpakatatag. Pinayuhan siya ng ama niyang si Jose na huwag na huwag siyang makikipaghiwalay kay Mike. Idiniin nitong silang dalawa ang tunay na nagmamahalan kaya sila ang dapat na magkatuluyan.
Pinuntahan din ng ama ni Mike si Margaret para