kausapin siya. Ipinaliwanag nito sa kanya na hindi lang naman sa kanila ang nangyari ang ganoong bagay. Marami daw namang mga batang lumaki ng maayos kahit namumuhay at nakatira sa ibang tahanan at hindi kasama ang kanilang ama.
Sinabi nitong mamahalin at pag-aaralin naman ni Mike ang magiging anak nito sa hinaharap. Hindi ito magkukulang sa pagmamahal at pag-aaruga dahil siya mismo ay palaging magpupunta at dadalaw sa bata para masigurong lumaki itong masaya at puno ng pagmamahal. Biniro pa siya nito napakaswerte ng batang iyon sapagkat magkakaroon siya ng isang lolong napakabait at higit sa lahat ay galante. Sinabi nitong ipapasyal niya ang bata palagi at isasama pa nito sa