kanyang pagbebeyahe sa ibang bansa at kung kinakailangang isama pa nito si Esmeralda ay gagawin nito masiguro lang na maging masaya ang kanyang apo.
        Kaya ipinagpatuloy pa rin nina Mike at Margaret ang kanilang pagkikita. Parati pa rin silang nagdi-date at namamasyal at pinipilit na maging masaya sa kabila ng mga nangyayari. Sumama rin si Margaret sa mga business functions na pinupuntahan ni Mike. At sa mga business functions na ito ay nag-uunahan ang mga press na kunan sila ng letratong dalawa. Lahat ng mga nakakita sa kanila ay nagsasabing bagay na bagay silang dalawa.
        Maging ang press ay gustong magkatuluyan sina Mike at Margaret. At kahit na-interview rin si Esmeralda at nagsabi