ng panig nito ay hindi pa rin nagbago ang opinyon ng press at ng publiko. Ipinaliwanag nang mabuti ni Mike sa publiko na maayos silang nagkahiwalay. Ang paghihiwalay nila ay tinanggap noon ng maluwag ni Esmeralda pagdidiin nito.  At siniguro din nitong magiging mabuti at responsable siyang ama sa magiging anak nito kay Esmeralda. Sinigurado nito sa publiko na magkakaroon ang magiging anak nito ng maganda at marangyang buhay at maging si Esmeralda bilang ina nito.
         Subalit hindi pa rin tumigil si Esmeralda sa pag-eeskandalo kina Mike at Margaret. Sinusundan pa rin nito ang dalawa  at pinipilit si Margaret na hiwalayan si Mike. Sinisikap nilang dalawa na huwag na lang itong pansinin.