Subalit habang tumatagal ay mas lumalala na si Esmeralda at sinusugod na nito si Margaret at pinagtatangkaan pang saktan. Kaya napilitan na ring kumuha ng mga bodyguards ang kanyang ama para sa kaniya.
Sa eskwelahan at maging sa kanilang bahay ay sinusugod pa rin ni Esmeralda si Margaret. Nagwawala ito sa labas ng kanilang bahay at nanghahagis ng kung anu-ano para mapilitan lang si Margaret na labasin ito at kausapin. Napapaalis din naman si Esmeralda ng kanilang mga security guards. Subalit bumabalik pa rin ito pag nagkakaroon ng pagkakataon at patuloy na nanggugulo.
Pinipilit ni Margaret na panatagin ang sarili niya subalit hindi pa rin niya maiwasang mabalisa sa mga pinaggagawa