ni Esmeralda sa kanya sa kung saan-saang lugar na makita siya nito. Parati rin siyang pinupuntahan ni Mike tuwing mababalitaan nito ang ginagawang pag-eskandalo ni Esmeralda kay Margaret.
Pilit siyang pinapanatag ni Mike at pinapanagakong gagawa ito ng paraan para tigilan na siya ni Esmeralda. Subalit kahit anong pakiusap ni Mike dito ay hindi pa rin ito tumigil sa mga pinaggagawa nito laban kay Margaret. Patuloy pa rin nitong sinusugod at inieskandalo si Margaret.
Walang tigil si Mike sa pagpaparamdam ng pagmamahal nito kay Margaret. Sinisigurado nitong mapapasaya at mapapangiti nito si Margaret tuwing magkasama sila para mawala sa isip niya ang problemang kanilang kinakaharap.