tanong nito sa bata.
                “Opo, nakikita niyo po ba ang nag-iisang green at malaking batong iyan sa dalampasigan. Pinangalan po naming Mike iyan,” sabi ng bata kay Mike.
                 Nangingiting sumagot si Mike sa bata. “Maraming salamat kung ganoon. Karangalan ko na ipinagalan niyo sa akin ang malaki at magandang batong iyan.”
                “Hangga’t nariyan iyan ay hindi po namin kayo makakalimutan sir Mike,” dagdag pa nito. “Uli po marami pong salamat sa kabutihan niyo.” Pagkatapos ay nakangiting tumalikod ito at mabilis na tumakbo pabalik sa mansion.
                May paghangang pinagmamasdan ni Margaret si Mike. “Sa iyo pala ipinangalan ang magandang batong iyan Mike,” sabi niya rito. “Sa pagtulong mo pala sa kaibigan mo